Paano maging Top-performing Student

Part I

By Gerald M. Desacula

Ginawa mo naman na talaga lahat. Naging 46 na ang bilang ng pimples mo kakapuyat. Luggage na din ang eye bags mo, kulang nalang visa, bibiyahe ka na sa Europe. Need mo daw kasi mag-aral ng puspusan.

image-1

Lumipas ang araw, ambilis. Kuhanan na ng cards. Pinapila mo na ang napakasipag mong ina sa mahabng pila na puno ng kabadong mga magulang at guardians.

Nag-antay ka. Lumapit Nanay mo sayo. Ang lungkot ng muka.

“Anak, konting push pa,” sabi niya.

Tumingin ka sa cards mo. Dumilim ang paningin mo.  Paktay ka diha, may bagsak ka na naman. Kaw naman kasi, nag-aral ka ng puspusan, pero di mo naman pinusuan.

Marami satin ang paulit-ulit na nakakatikim ng palakol at minsan pa nga ay a-sais na grades. Ei ginawa mo naman na lahat. Kulang nalang ay mag-alay ka labindalawang itlog kay Sta. Maria at sumayaw sa Obando para naman mabuntis ang sais o siyete at maging 80. Pero pagkatapos ng lahat, luhaan ka padin. Masheket!

Pero paano nga maging top student? Let us see the ‘elementary ways of becoming a better stud’ below. Ilan kaya ang iniisip mong gawin o ginagawa sa mga to?

 

  1. Konting push pa, Bes. Di pa talaga yan ang ‘best effort’ mo.

Alam ko naman na ginalingan mo na. Uwian na nga ei, may nanalo na. Pero may konting push pa. Nagpasa ka ng project di naman full efforts. Nag-drawing ka na nga lang, di mo pa kinulayan. Nagrecite ka nga, hula-hula naman, pilit pa, walang puso.

Pumasok ka nga sa klase ng maaga kaso mainitin naman ang ulo mo, kulang nalang murahin mo ang guards kasi puyat ka pa. Nagreview ka nga, di mo naman inintindi ang lessons, nag-memorize ka lang ng keywords, ayan nakalimutan mo tuloy nung inulit-ulit n ang keyword na sinaulo mo. Isipin mo nga, ‘ito na ba talaga ng best efforts ko?’

Wag ka muna magpatuloy sa pagbabasa hanggat di mo pa naiisip.

  1. San punta, Bes? Pagkatapos ng sampung taon, san ka?

    Sa opisina na sumeweldo ng libu-libo at masaya sa trabaho na nakakatulong sa Mama at Papa o sa kangkungan ni aling Keka?

    image-3

Ano ba ang pangarap mo? Kung meron man, pagtrabahuan mo na ngayon palang. Mag-aral ng mabuti. Kung wala naman, aba! Isara mo na yang browser na yan. Wag ka na tumuloy sa next numbers. Irita! Know your dreams now, mahirap tumakbo nang wala naming destinasyon!

  1. Ipakita ang galing.

Alam mo, may mga bagay na nagagawa ka na di nagagawa ng katabi mo ngayon. May talent ka na di alam gawin ng best friend mo. Na di alam gawin nung kapitbahay mo sa kanto at ang paborito mong pa-loadan sa kabilang street. May precious gift ka na kailangan mong ilabas at i-develop.

image-4

Ipakita mo na yan at gamitin sa pag-aaral mo. Baka naman magaling ka sa Math, sa entrep, sa English, then go ang use it. ipakiat mo na yang galing mo. Wag mong isipin ang iba, may pangarap yang iba (hugot)!

  1. Study hard ay ibang iba sa study well.

Si study hard ay yung tipong puyatan kakareview. Siya yung puspusan pero walang ‘pusuan’. Siya yung nagrereview sa jeep papasok sa eskwela, siya yung nagrereview sa canteen habang kumakain. Okay, wala namang masama dun. Pero if you have an ample time to review prior to that, iba na yun. Walang disiplina yun. Study well lang.

image-5

Get your own schedule, work on it then follow it. Mag-aral sa tamang oras. Yung oras na di nako-compromise ang oras mo sa iba at sa sarili. Wag iyakan ang bagsak na grades. Pagtrabahuan mo to para maingat mo sa laylayan. ‘Study hard’ kills you, ‘study well’ develops you.

  1. Post it. Post it. Post it everywhere.

Hay nako ang corny noh? Tapos may calendars pa on the side. Kadiri. Old stuff. Tampal gusto mo?

image-7

Sa panahon ngayon na madami nang nanggulo sa mga relasyon, este sa daily schedule mo, you really need to take down notes. Set a plan. Ilista ang mga gawain, at mga bagay na pumapasok sa isip mo. Sabi nga, “ilista mo, makakalimutan mo yan, Bes.” Gamitin ang cellphone, buksan ang notepad, maglista at mag-alarm. At siguraduhin na ang sariling schedule ay masusunod. Kapag hindi, konting push pa. blentunag ang sarili!

  1. Rest.

Wag kang humugot. Hindi to yung masakit maranasan. Break means to stop what you usually do. Break muna sa pag-aaral, open books to read, manood ng balita, manood ng favourite game o makipagkwentuhan. Isama ito sa personal calendar at keep in mind na dapat masunod ang naka-alot na break time.

image-9

Ako dati, ang break time ko ay halfday ng Sabado at halfday ng Linggo. Araw-araw naman, ang break time ko ay 15 minutes before 1pm. Hindi masamang magbreak. Your mind needs rest, too. Refresh naman onte, then if it’s time to study, study well.

  1. Maniwala ka sa ‘abundance’.

Hindi ito ang fans club ni Boy abunda, medyo tagos sa liver to. Panghuli at pinakamahalaga sa lahat, the Lord promises you to experience abundance o kasaganaan (John 10:10b). Yepyep, andiyan ang kaaway para ibagsak ka, tamarin ka, paadikin ka sa computer games at madami pang iba. That’s given. Every body experiences that. You just need to work on it and cope with it. He has promised kasaganaan and let’s claim it. God moves according to our faith plus to what we do. Kaya naman, kaya-kaya natin to. Let’s work work work work work. Push pa with the Lord.

image-10

Ang sarap sa feeling na lagi kang may nalalaman araw-araw. Na may napapatunayan ka sa sarili mo. Begin it now to where are you. Mag-aral ng tama, matuto ng tama.

Kapag natuto ka sa mga ‘elementary ways’ of becoming a good student, madali na yang top 1-10. Ang hirap sa simula, pero kapag nadisiplina mo na ang sarili mo, sisiw na yan. Promise! Pupusuan ka ni Monshi at papshi kasi ang galing mo, award-winning! So pano na? 80 at 90 na ba ang aim?

Sa susunod ay ituturo ko naman ang practical guide to become a better student sa loob mismo ng klasrum.

Enjoy learning!

Talk to Kuya Ger at Facebook and Twitter.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s