#Tagabol: Pitong Lahi ng Tropa

Part 1

Nakakamiss nga naman talaga sila.

Sila yung ang magaling kumumpleto ng araw mo. Sila yung it’s either mangugulo at mag-iingay sa nananahimik mong buhay o kaya naman minsan (o sige na, sa iba kasi kadalasan) nagpapatahimik sa magulo mong buhay. Ei kasi naman, lahat ng sinasabi nila, tagos sayo lalo na yang pagpapaka-timang mo sa present jowa o sceanrio mo.

Kaya naman mga ‘tol, bilang pasasalamat sa mahal nating mga tropa, itag na sila kung san man sila nababagay. Dahil ang tunay na tropa, tagabol sa mga lahing ito:

  1. Tropa mong tawang-tawa na ang lahat pero siya ay loading padin. Okay lang yan. Tandaan mo kahit huli kang tumawa, at least ikaw naman ang huling naging masaya. ORAYT!
  2. Tropa mo tropa mon mag-o-overnight daw pero sleepover ang ginawa. Sakto! Pag gising sa umaga, mag-aalmusal, maliligo, magbibihis, submit the papers may grade na siya. Oo ganun yun, parang dinala lang sa bahay nyo ang bahay niya. Sana naman tablan ng hiya ang makapal na kalyo ng paa! Kaya next time, ihanda ang camera, picturan pag natulog ng nakanganga! ORAYT!
  3. Tropang mong maglalaho pag nakita na ang jeep na sasakyan niya pauwi. Siya si Angel Locsin o kaya naman Coco Martin sa kahinhinan. Pero nag-ta-transform sa pagiging flash pag may nakita ng jeep o bus na rutang pauwi ng bahay niya. O kaway kaway na ang mga ayaw malate umuwi. Kala mo aalis ang bahay sa kinatatayuan. Yung maririnig mo nalang ang salitang “bye” sa loob ng sasakyan, kasi andun na siya, pauwi na. Samantalang ikaw, umaasa pa na may kausap ka pa. ORAYT!
  4. Tropa mong maaalala ka lang dahil sa networking. 4 years ago di ka niya pinapansin sa messager or text. Okay lang naman, baka busy nga naman. Pero isang araw, chinat ka at tinanong ang magic word na “Open minded ka ba?” Alam na this!
  5. Tropa mong number basher mo. Sila yung mga tropang walang ka-support support kahit negative 2 percent. Sila yung magla-like sa profile picture mo pero ang ikokomment ay puro pambabash.

Pero mahal ka nila, ramdam mo naman di ba? Sila yung tropang pag nagsabi ka ng positibo sa sarili mo ay babalik sayo ang milyong bashesssss. Sila yung tropa mong unang magsasabi na panget ang phone mo pero bukas agad ang ‘share it’ para magpasa ng apps.

Sila yung tropang mandadaot ng dalit mo pero susundan ng katagang, “Mas bagay yan sakin.” At higit sa lahat, sila ang tropang sasabihin sayong panget ka kahit gano kana kayos sa sarili mo at ang lahat ay gandang ganda o gwapong gwapo na sayo.

Oo, tropa sila, wala kang magagawa. Tandaan: real tropa is honest. Kaya tropahin nag bashers. ORAYT!

  1. Tropa mong mahilig mag- “me” time. Wag ka ng comment nang comment. Manahimik ka. Mas tahimik pa diyan. At wag na wag mo siyang guluhin kung ayaw mong makipagusap sa hangin. Yes! Ayan! Very good. Tahimik kalang.

Bukas mo na siya kausapin. At the end of the day, babalik din siya sa normal niyang buhay. Sadyang humihiwalay lang talaga siya sa mundo minsan at sasama sa sarili niyang mundo. ORAYT!

  1. Tropa mong kakainlove. May ganitong tropa? Oo, sila ang produkto ng pagiging totoo mo at totoo nila. Sila ang tropang kahit ang pangit pangit, o di naman kaaya-aya talaga ang mukha pero may kakaiba. Na akala mo kaibigan lang tingin mo. Ang tawagan niyo pa ay ‘tol’, best, bestie, bff.

Yun pala hindi na ganun. Harooo! Minsan talaga no, dahil kilala mo na, madali ka nang mabihag? Tol, parang bangin lang yan, pag malalim na, mahuhulog ka na talaga. Orayt!

Meron tayong kaibigan na tagabol sa nasabi sa taas. Alam ko.

Pero part 1 at pito pa lang yan sa maraming uri ng tropa. Ang tanong, ikaw anong uri ng tropa meron ka?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s